Friday, October 14, 2011

High School Artik: Jeffrey's Ultimate Guide for Elementary Graduates Who Want to Study at Pinagbuhatan High School

This is another article that I originally wrote to our high school class section's now-defunct-official website. around 2006 or 2007 ulit.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nung una, iniisip ko kung ito yung gagawin ko o yung tungkol sa mga noon time shows. Anyway, ito ang first guide sa para sa mga estudyanteng gustong magaral sa Pinagbuhatan High School. Hindi ko to ginawang primer kasi hindi lang kagandahan ang makikita sa school namin, marami pang iba. Mayroon akong isang dahilan kung bakit ko ginawa itong guide na 'to, para mailigtas ang mga estudyante sa pagsisisi at pag-ulit ng high school.

After ko mag-graduate ng elementary, iniisip ko sanang magaral sa Rizal High School, una halos lahat ng ka-barkada ko nung elementary dun nagaaral, kaya lang iniisip ko, mababa yung section ko dun kaya pumasok ako sa Pinagbuhatan High School. (Nung first year ko nakita yung masasabi kong t.l. ko. *korny*) Nung una feeling ko isa lang yung environment ng high school at elementary. Pero hindi. Meroong mga differences, ang security sa Pinagbuhatan High School, grabe, para ka nang nasa MalacaƱang Palace dahil sa sobrang higpit ng security. Hindi nakakalagpas ang long haired, colored hair, mga late comers, may deadly weapons, may marker pens, at iba pang bawal sa school. Nung first year ako, kinukumpis lagi yung marker pen kasi talamak dati yung crime na tinatawag na vandalism na madalas kino-commit sa mga banyo, student's chairs, dingding, at mukha ng mga teacher at estudyante na natutulog sa klase. Pero sa ngayon hindi na nanghahalungkat ng bag yung guard, kasi wala nang terrorist threat sa bansa(ano tingin nila sa 'min, terorista?)

Every monday, merong flag ceremony tuwing 7:00 ng umaga. Dati, lahat ng students na may pasok sa first shift ay pinapipila sa labas. Ngayon, kailangan pang maantala ang klase dahil 6:00 am ang simula ng klase, pero hindi na pinapipila sa labas ang mga estudyante. Yung iba pang information tungkol sa flag ceremony ay nandun sa "Plag Seremoni" portion ng "Da Klasrum."

Ngayon, tumungo naman tayo sa mga buildings. Yung school namin ay mayroon lang isang building. Isang VPE type building. Na nahahati sa 5 Phases. Iisa isahin natin ang mga yun.

*Phase I - dito madalas inilalagay ang classroom ng first year at third year na nasa pilot section(hi to Ms. Melanie Mae Sta. Ana ng III - Arsenic). Dito rin located ang computer rooms, dalawa ito kasi hindi kayang i-accomodate ng iisang room lahat ng computers.

*Phase II - dito naman located ang industrial arts room(first floor), AP coordinating center(second floor), at yung first laboratory room sa school(first school).

*Phase III - dito located ang Learning Resource Center ng school(second floor) na sa kasamaang palad ay kulang sa books (it's hard to believe but it's true). Wala pang insidente na nanyari sa 'kin na nagtulak sa 'kin upang mapalagi sa phase na 'to. Ewan ko ba parang meroong kakaibang, kakaibang, kakaibang,.......kakaibang something diyan na hindi ko maipaliwanag. Dito rin pala located ang Mathematics coordinating center(third floor) na madalas puntahan ng maraming magulang, ewan ko kung bakit.

*Phase IV - dito located ang canteen(the whole first floor) pero hindi ko ina-advice na dito kayo kumain kasi pagdating ng recess, mauubusan ka na ng time pagbili pa lang ng pagkain at paghanap ng pwesto kung saan ka kakain. Mas maganda kung magbaon ka na lang ng pagkain mo at dun mo kainin sa classroom ninyo, kaya lang sa classroom naman hindi ka makakaiwas sa mga kaklase mong buraot. Dito rin located ang boy scout room(sa dulo ng canteen sa left malapit sa hagdanan) I advice you, especially the boys na iwasan yung lugar na yon. Sa second floor naman located ang clinic kung saan meron din akong something different na feeling tuwing dadaan ako doon. Katabi nito yung property room, ito yung kinukuhaan ng libro every start ng school year at pinagsusulian tuwing end ng school year.

*Phase V - sa first floor located ang TLE coordinating center at ang practical arts room. Sa second floor, ang registrar's office at yung emis, dito naka-opisina ang principal at ang vice principals. Sa third floor naman located ang Filipino coordinating center. Sa fourth floor located ang classroom namin, katabi nito sa left ay isang potential laboratory. At sa fifth floor ay ang Audio Visual Room na madalas pagdausan ng seminars at contests.

Ito naman ang mga bagay na kailangan mong alalahanin sa pagpasok sa school na 'to:


About the teachers:
- iilan lang ang mabait na teacher na nagbibigay ng grade na as high as 91, kadalasan ang highest lang ay 87 at ang lowest ay 65 o di kaya'y blanko. Kahit pagsumikapan mo wala kang lusot dito kaya kung top 1 ka na nasa mid bracket, wag ka munang aasa na pag graduate mo ay makakapasok ka sa UP. Ang pagbigay nila ng grade sa mga pilot section, ayon sa narinig ko, ay pareho sa pagbibigay ng grade sa pinakalowest section. Meroon pa akong narinig, kani-kanina lang, mayroon daw isang teacher na kung magbigay ng grade ay parang bulagaan, de roleta, o di kaya'y kung maganda yung pangalan mo, maganda rin yung grade mo, sabi rin sa 'kin na madalas daw absent yung teacher na 'yun. Hindi ko siya kilala, pero ilan sa mga concerned students niya kilala ko.

About the activities:
- hindi ka makakaiwas sa mga activities, physical kadalasan. Hindi batayan dito ang religion, age, physical abilities, at sex sa paggawa ng mga nasabing activities. Lalo na sa isang bagay na tinututulan ko, yung CAT o Citizen's Advancement (originally "A" stands for "Army" ginawa lang advancement para hindi halatang ginagawa kang tuta na ipapadala sa hinaharap kung sakaling magka gyera) Training, para saan ba yun? Makatutulong ba 'yan upang mapakain ko ng sapat na kanin at ulam ang pamilya ko sa hinaharap? Makatutulong ba yan sa pagangat ng ekonomiya ng Pilipinas? Hahanapin ba yan 'pag nagpasa ako ng resume sa paghahanap ko ng trabaho? Sukatan ba yan ng pagkatao ng isang indibidwal? Ano nga ba ang dahilan ba't kailangan pag aralan 'yan? Ngayon July na at palaisipan pa rin kung bakit namin kailangan pag-aralan 'yan.

About the regulations:
- sa lahat ng bagay, dito ako humanga sa pamamahala sa school namin, mahigpit sila pagdating sa rules and regulations. Basta sundin ninyo na lang lahat ng nandun. Maraming limitations, lalo na sa porma. Pero di ba mas maganda kapag simple lang ang ayos?

About the students:
- sa parteng ito, kailangan mong magingat sa mga makikilala mo, lalo na kung nasa mid or lower bracket ka. Magingat sa mga nagyoyosi at umiinom ng alak. Meroon ding oras na nakaamoy ako ng second hand smoke ng ganja dun sa school noong christmas party. Magingat kayo sa mga tao at mga bagay na ganun, para na rin sa ikabubuti ninyo. Pag sinuway ninyo 'to, hindi na kayo tatanda, kasi mamamatay kayong bata.

Sana naman nakakuha kayo ng kaunting tip para na rin sa ikabubuti ninyo. Ito lang ang pinakamatinong page sa website na 'to

No comments:

Post a Comment