Tuesday, January 31, 2012

January 30, 2012

Nai-sched ko na dalawang linggo nang nakalipas itong date na ito para sa shoot ng pelikulang gagawin na entry ko sana para sa Haute Auteur ng ngayong taon. Medyo handa na ang lahat, medyo.

Nagsimula yung buong plano sa pag-remake lang ng ending scene ng Kisapmata. Tapos medyo lumawig siya nung isang araw na maisip ko ang iba pang pelikula ni Mike De Leon. Tumawag ng isang kaibigan para mapaganda lalo yung ideya. Medyo dumami ang kailangan para sa proyektong wala man lang budget para mapatakbo. Pero ok na para sa shoot yung script. Nasolusyonan naman ng mga alternatibo ang mga bagay na pangkaraniwang pinagkakagastusan sa produksyon.

Nagpatawag ng meeting kaagad, unang pre-prod meeting ko ever. Pero di ako excited, keri lang. Mostly, task assignment lang ang ginawa ko. Tapos pagpapaliwanag ng proyekto at ang mga kondisyon dito, at pagdidiin na wala akong budget. Natuwa naman ako at may mga nagbukas loob na tanggapin ang proyekto ko kahit na walang hinihinging kapalit.

Lumipas ang mga araw, hindi makontak yung kaibigang kasamang nagpalawig ang ideya. Matagal din bago nagupdate ang mga itinalaga sa kanikanilang trabaho. Matagal. Pero, wala ako sa posisyon na mag-demand, yun ang nasa isip ko. Naghintay ako.

Hindi pumayag ang mga mananayaw mag-crossdress, resolution: mag-fatigue na lang. Walang santo, resolution: tanggalin ang eksenang may santo. Nakuha ko ang mga updates, mga ilang araw bago ang shoot. Nung mismong petsa, napagalaman ko ang hindi kaalaman ng mga nagasikaso sa mga proseso ng pagkuha ng venue sa ginusto kong lugar, resolution: gamitin ang opisina. Dumami ng dumami ang mga kulang para sa produksyon. Hanggang sa mismong ang isa sa mga gaganap sa pinakamahalagang role ang hindi makasisipot dahil sa isang emergency. Dun ko na iniatras ang produksyon.

Nahinto ang produksyon, medyo excited pa man din at nasa mood yung kinuha kong DOP, sayang. Nagpagabi ako, hindi ako napagalitan sa hindi ko ipinagpaalam na ilawang kinuha kaninang umaga. Walang galit.

Di ko maintindihan kung bakit di naginit ang ulo ko. Bukod sa inis, mas nalulungkot ako ngayon. Di ko alam kung para sa akin ba talaga ang proyektong ito at kung isa nga ba to sa mga dapat matuloy. Di ko na iniisip kung itutuloy ko pa o hindi. Wala akong iniisip ngayon.

No comments:

Post a Comment