Friday, October 14, 2011

High School Artik: Introduksyon sa Mundo ng mga Nerd

This was an article that I originally wrote for our high school class section's now-defunct-official website. Halata naman siguro sa artikel na to na isa akong Bob Ong wanna-be years ago, haha, this was, 2006 I think. Old times. haha

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagtanong kahapon si Sir Abrenilla kung ano ang tawag sa mga katutubo ng Baguio, kasi yung ka-chat niya kahapon ganon. Sabi ko Ifugao. Sabi naman ng kuya ko aeta. Ibig sabihin lang nagkamali ako ng pagkakasabi ng sagot. Mahirap talaga kapag matalino, laging tinatanungan. Kahit mali ang sinasabi, sinasangayunan sa kadahilanang nabibilang sa pilot section.

Ganyan yung problema namin sa section namin, laging napagtatanungan. Sabi nga nung kabilang section masyado raw kami seryoso sa pagaaral at wala na raw kaming panahon maglibang. Napagkakamalan din kaming nerd. Oo, nerd.

N-E-R-D, "Nerd". Yun yung klase ng tao na hindi nakakahinga, hindi nakakakain, hindi nakakatulog, hindi mapakali, hindi makatae, at hindi masaya habang hindi siya nakakapagaral sa buong araw niya. Sa mga tv shows at pelikula, ang description sa kanila, eh yung sa mga lalaki naka tucked in yung shirt sa pantalon na meyroong belt na umiipit sa damit, hindi nagaayos ng buhok; kung nakaayos naman ay may pomada o kaya'y gel na nakasuklay patungo saan mang direksyon sa kaliwa man o sa kanan. Nakasalamin din sila sa mga pelikula, ewan ko lang kung bakit, lahat ba ng nerd may myopia o presbyopia? Sa mga babae naman, nakasalamin din, at yung ayos ng buhok ay nakatirintas na katulad ng buhok ni Dave Grohl nung ginaya niya si Britney Spears. Madalas din sa mga pelikula na ang mga nerd yung walang kaibigan, kung meron man e yung kauri lang nilang nerd. Sila rin yung mga napagti-tripan ng mga "cool" na karakter sa pelikula. Kaya kadalasan ang ending ng mga ganoong pelikula e bumubuo ng isang club yung mga nerd, sa umpisa kaunti lang, hanggang sa dumami at bumuo ng isang army ng mga nerds na magsasagawa ng nerd invation.

Kaya kami napagkakamalang nerd e dahil hindi kami sumasali ng extra curricilar activities at mas iniintindi pa namin ang academics (Teka ano bang alam nila sa 'min, first grading pa lang ah!). Dahil sa mga maling akala nila sa amin, muntik na naming panindigan ang pagiging nerd. Pero hindi namin kaya, ewan ko, tinatawag siguro kami ng katam sa bawat pagkakataong susubukan namin. Saka hindi namin kayang sundin yung code of ethics ng pagiging nerd. Pero meroong ilan na ganun sa 'min. Yun bang tipong umiiyak kapag hindi nakagawa ng assignment o hindi natawag sa recitation. Ilang beses na nangyari yung mga insidenteng yun, sa awa ng Diyos hindi ako damay sa mga ganon ng mga kaklase ko.

Sabi ko nga na may mga nerd din sa amin. Me iba ibang uri niyan, heto sila:

  1. Mabokang nerd: sila yung mga nerd sa amin na panay ang recite. Sila ang kadalasang nakakakuha ng matataas na grade. Sila rin yung maiiingay at mainitin ang ulo. Kadalasan sa kanila babae. Sila yung kadalasang tumatakbo para sa student's council at kadalasang class officer. Isang halimbawa niyan ay si _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _.
  2. Ballpen nerd: sila naman yung mga tahimik. OO tahimik, maniwala kayo meron pang taong mabibuwisit ka dahil sa sobrang katahimkan niya. Hindi sila madalas mag recite pero mas mataas sila sa written outputs at sa tests. Sila rin yung uri ng tao na kapag tinanong mo e dalawa lang ang sagot. Tango = Oo. Iling = Hindi.
  3. Semi-nerds: mga 40% ng mga kaklase ko ganito. Sila yung mga maporma, marunong mag enjoy, at masayahin. Pero stable na mataas naman yung grade. Sila rin yung kadalasang napapagalitan ng teacher dahil sa kakulitan.
  4. Bookworm: itong class na 'to eh laganap sa lahat ng klase ng pagkanerd. Isa ako sa example nito kapag sinisipag. Sila yung mga klase ng tao na lahat ay babasahin mula sa pamphlet, magazine, comics, novels, encyclopedia, hanggang sa bible.
  5. Supernerd: siya yung uri ng nerd na talagang kuhang kuha ang description ko ng pagkanerd at sinusunod ang code of ethics ng pagkanerd. Madalas na nagiging class valedictorian.
  6. Faculty Room Nerd: sila yung mga hindi nagaaral, walang alam, walang silbi sa lipunan, at ang alam lang ay magsalita ng maganda at pumuri ng mga teachers. Kahit sinasabi ng mga teacher na walang palakasan sa klase niya, wala silang lusot dito. Sila rin yung uri ng nerd na hanggang sa report card lang ang pagkanerd, sila rin yung madalas na kinukumusta kung sakaling maging istudyante ng teacher yung kapatid nito. In short sipsip, slurpee, o lamok. Wag ninyo na lang akong isusumbong kasi sa pagkakaalam ko, isang tulad nito ang nagkaroon ng isang mataas na posisyon sa school natin. Si ano yun e, si _ _.

Sa section namin, laganap ang lahat ng klase ng pagkanerd, pwera siguro yung example no 5, ay hindi meron pala si _ _. Pero sana sa susunod hindi na kami pagtanungan ng maraming tao kasi hindi naman kami facts machine na eksakto yung lahat ng sinasabi, minsan may fiction din, at kadalasan ng sinasabi namin mali, maniwala kayo kadalasan ng sinasabi namin mali. Kaya hindi mo rin masasabi na lahat ng nakatype dito ay tama. (Bwahahahahahaha............)

No comments:

Post a Comment