"seize the day" - kung sino man ang naniniwala dito ay nabubuhay para lamang sa kamatayan.
naalala ko si bob ong. mabilis daw ang daloy ng buhay. may mga cellphones na, pero wala siyang cellphone, ayus lang, di naman daw siya nagmamadali. - guilty ako dito nung una.
well, oo, ako may email, internet, at cellphone, pero, lately, parang nawawalan na to ng silbi bukod sa mga dagliang pagsend ng files at pag-troll sa facebook. most of the time bored ako. sa mga panahong ganun, titigil ako sa paggamit ng computer, at hihiga.
masarap pala ang feeling ng hinahayaan mo lang ang oras. I'm taking my time, kumbaga. parang pelikula ni Lav Diaz, may espasyo para magmuni-muni, mag-internalize at magprocess ng mga pangyayari.
Sakit na siguro ng lipunan ang ADHD. Mabilis ang pagkilos sa maikling attention span. Sa mundong nabubuhay sa deadlines at expiration date.
Alam kong hindi magtatagal ay aanib na rin ako sa kanila, pero, hindi ako nagmamadali. Totoong marami pang dapat gawin, pero isa-isa lang. mahirap nang magkamali.
Sa pagmumuni-muni, nararamdaman ko ang buhay. Parang pagtawa lang kasama ng mga kaibigan sa mga panahong hindi alintana ang oras. Yun bang uuwi ka lang kapag inaantok ka na.
chill lang ako, kahit medyo may sakit ako. may mga pressure na gustong magparamdam, nakakatuwa, maraming nagpapaalala, pero, cool lang, relax, alam ko ang ginagawa ko. at least, sa ginagawa kong ito, napagiisipan ko ang mga dapat gawin at mangyari. marunong na rn ako magmeditate at magconcentrate, sa wakas.
mapalad ako, nalaman ko ng mas-maaga ang kahalagahan ng pahinga.
(ang pahinga ay pinaikling salita ng "pag-hinga", na nakarugtong sa buhay. ang taong walang pahinga ay walang buhay)
i once lived believing that..
ReplyDeletethanks to you.. hindi na ko ganyan..