Wednesday, April 13, 2011

Mga bagay-bagay na makikita sa damitan ko bukod sa damit.

dahil ni-require ako ng nanay kong tanggalin lahat ng gamit sa damitan ko, nakakatuwa na may nakita akong bukod sa mga damit ko. iilan lang itong mga to:



Cassette tape ng Miyusik Tagalog Bersiyon 2 ni Michael V. Wala nang inlay. Unang album na pagmamay-ari ko.



Cassette tape ng Rivermaya. Unang album. Arbor lang.



Ang medyo rare na Bananatype EP ng Eraserheads. Nabili ko sa Farmers dati for 35 pesos sa Christmas sale ng isang stall dun nung grade 5 ako. wala na ata yung shop na yun.



Second album na pagmamay-ari ko. Limited edition ng Marshall Mathers LP ni Eminem. 3 bonus tracks lang ang dagdag compared dun sa standard release.



Cassette tape, Wanted: Bedspacer ni Ely Buendia. Arbor lang din. haha.



Iba ibang mix-tape. dalawa ata jan kay Reychiel Roxas.



Cassette Tape: Miyusik Tagalog Bersiyon ni Michael V. Arbor lang.



Yung cool na limited edition War Machine earphones ng ate ko na nasira ko rin. XD



USB Charger. wala nang paggagamitan.



Unisilver watch na bigay ng kuya ko. wala nang belt. naputol.



Yung barbie na pinabili ko kay Malen sa Divisoria for 10 pesos. Gagawin ko sanang marionette para sa stop-motion animation, ondoy pa to, di ko na nagalaw since magawa ko yung isang braso.



Ang inangkin kong kopya ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero. Classic.



Santino notebook, naglalaman ng mga minutes ng meeting para sa teambuilding noon sa Sta. Maria, Laguna, at kung ano-ano pang meeting na ayaw mong malaman. haha



Isang set ng mariposa guitar string courtesy of Mikey Yalung.



Love letters ni NiƱa. LOL.



Box ng salamin na nanggaling sa huling class group dynamics activity namin. nakalimutan ko na kung kaninong group. pinaglagyan ko ng mga remembrance kapag lumalabas kami ni Wendy.



Medals from Recognition day at pre-school graduation. From left to right:medal from kinder recognition day, From Pinagbuhatan Elementary (best in industrial arts, lol), From Pinagbuhatan High School Filipino Department (Manunulat ng taon, mukha), 3rd Honor mula sa Graduation nung Kinder (courtesy of then mayor Vicente Eusebio)



Trigun shining sticker. Di ko maalala yung exact date, pero binigay to ni Jazzver nung last bigayan ng report card namin nung Grade 4. Tuwang tuwa pa kami pareho dahil pareho kami nasa Section 1. Pagdating ng june, wala si Jazz.



Ang cute Pucca keychain ng ate ko na inangkin ko na rin



Pik-Nik can namin ni Wendy, naglalaman ng isang mahalagang bagay. :)

:D

No comments:

Post a Comment