Friday, March 25, 2011

bakit tira-tira ang pagkain ko?

Ano ang pagkakapareho ng boldstar at bansang Pilipinas?
Sagot: Parehong Exploited.

Hindi ko alam kung ganito rin sa ibang bansa, pero (sige gamit tayong figurative language dito), san ka nakakita ng nanay na nilalako ang sariling anak? Parang ganun kung lakuin ng gobyerno ang Pilipinas. Hindi mo man napupuna, matagal na tayong exploited.

Hindi lang sa appliances uso ang surplus. Pwede rin sa mangga. Sabi nila, ang pinakamasarap na mangga ay matatagpuan sa Pilipinas, specifically sa Guimaras. Pero, dito sa Maynila, kailan ka nakakita ng Manggang Guimaras sa public market? Ako, sa 20-years ko na ibinuhay sa pagkabata, wala pa kong natitikmang Manggang Guimaras. Napanood ko lang yun sa pelikula ni Kristine Hermosa. Bakit ganun? Dahil export quality ang mga mangga natin. At kahit kailan, hindi tayo ang unang nakinabang dito. Sila muna, mga dayuhan, bago tayo.

We're left with garbage. Almost nothing. Mula sa mangga, bigas, asukal, nurses, engineer, entertainers, pelikula, painting, at lupa, lahat hindi tayo ang unang nakikinabang. Isang dahilan, dahil magaling ang bugaw natin. Ang gobyerno at ang mga naniniwala dito.

Parang tanga lang si Willie Revillame nung sinabi niyang kaya pinagkakatiwalaan ang mga pinoy nurses dahil maalaga tayo. OO, tama, maalaga tayo. Pero hindi tayo pinagkakatiwalaan dahil duon. BINIBILI tayo dahil sa magandang kalidad ng gawa natin sa mababang halaga.

Pareho lang din sa mga callcenter agent. Granted, na magaling tayo mag-ingles, flexible pa nga tayo minsan sa slang. Pero ang pagdagsa ng maraming investor dito sa Pilipinas ay dahil na rin sa mababang pasahod sa magandang kalidad ng serbisyo. Bonus pa ang pagiging matiisin at hindi pagiging mareklamo. Same thing applies para sa ating mga OFW.

Granted, magagaling ang Pilipino, pero, sino ang lubos na nakikinabang?

Maganda sana ang muebles na export-quality kung nabibili natin ito sa murang halaga dito. Pareho rin sa sapatos, damit, pagkain, at iba pa. Tutal, dito naman ginawa, dapat mas mura. Nakapagtataka lang ang pagiging mahal nito.

Ano nga ba ang kagandahan ng pagiging Export-quality? Hindi ba isa lamang ang pinamamandila nito? yung mahabang word na may kaugnayan kay syon at nagsisimula sa letter G?

Kung titignang mabuti, hindi naman talaga appreciation ang nangyayari: exploitation.

Ang ironic nga, magtanong ka sa karamihan ng pangkaraniwang Pilipino kung nakakain na sila ng Manggang Guimaras? Dapat bang ikarangal ang isang bagay na "export-quality" gayong mismong karamihan ng mamamayan natin ay hindi pa nararanasan to? Dahil dito, pati mga mamamayan natin, pumapantay na upang maging "export-quality". Magtitiis para sa kitang halos kapareho land din ng kinikita ng regular na arawan na manggagawa.

Hindi ba't marapat lang na bawiin natin kung alin ang dapat sa atin at magsilbing tuluyan para sa ikauunlad ng bansa natin? Hindi ba dapat, silang magagaling nating manggagawa na nasa ibang bansa ang siyang dapat nagpapatakbo nitong ating bansa at hindi ang mga walang bituka't kaluluwang nagsisitabaang mga baboy na walang ginawa kundi manglamang?

Darating pa kaya ang panahon na yun? Sa argumentong ito, pinakamatinding katunggali nito ang tawag ng sikmura. Uunahin mo pa ba ang bayan bago ang tiyan ng iyong pamilya? Sana, matignan nating mabuti, na kaya ganito tayo ay dahil sa ating kalagayan. sana dumating ang panahon, na hindi na tira-tira ang kakanin natin.

No comments:

Post a Comment