Saturday, January 1, 2011

pelikula pelikula

ayun oh, makalipas ng ilang oras ng kalokohan sa CINEPHILES! Group sa Facebook, nainspire akong i-share sa inyo yung mga gawa ko. wag kayong mag-expect, hindi kagandahan mga pelikula ko, pero, sa tingin ko, di rin naman kapangitan...


heto na sila
----------------------------------

Isang Lalaking May Mumurahing Kamera



ilang buwan matapos kong makakuha ng ilang ok na kumento tungkol dito, napagisipan kong gumawa ng series na gamit yung mp4 player ng ate ko. ang kaso, sa katangahan, nawala ko iyon habang nasa gitna ng diskusyunan sa Jollibee sa St. Francis Square. Ang mga scenes dito ay galing sa mga biyahe ko. Nakalusot ito sa dotfest Online Film Festival kung saan natatak sa utak ko ang mga salitang ito:

I liked the poetic sensibility of Man with a Cheap Camera, a movie really about nothing
- Jonas Mekas


Jury siya doon. hehe. di ko pa rin ma-gets kung ano ibig sabihin nun. At di ko din alam kung may gusto nga bang sabihin ang pelikula kong ito o wala. Sinabi rin ni John Torres at Dodo Dayao na nagustuhan nila ito. yiiiheee!

Download!

--------------------

Kalinawan



Ginawa ko to kasi akala ko Short Film Competition ang Exchanges Connect. Mali pala. Pero naging praktis ko ito sa framing ng pelikulang may aktor at aktres. Salamat sa mga kaibigan kong sila Niko Lorenzo Tabid at Arantxa Nikita Jamosmos na gumanap sa pelukulang ito.

Download!
-----------------------

Kung Papaano Ko Nakilala Si Buboy at Kung Sino Siya



Naisip ko itong pelikulang ito nung naglalaro kami ng Exquisite Corpse. Isang linggo matapos kong maisip, ay na-halungkat ko ang Mysterious Objects At Noon ni Weerasethakul, na-badtrip ako. Pero tinuloy ko parin. Ang ginawa ko: pinagkwento ko lang yung mga tao sa camera ng isang kwento tungkol sa ideya nila ng batang mahirap. Para tuloy naging quantitative research to, halos pareho kasi sila ng sinasabi.

Aksidente ko yatang na-24fps to sa halip na 30fps kaya nag-ghosting. Sensya, medyo tanga pa ko nung mga panahong iyon.

Salamat sa mga naging parte nito, kilala niyo na kung sino kayo. hehe

Download!
-----------------------

Hindi Ko Alam Kung Ano 'to



Sa tingin ko, nagpasira dito talaga yung trip kong maging cool siya. Pero wala na ko magagawa doon. hehe. Isa siya sa tingin kong gawang pinaka-satisfied ako sa resulta. Halos matagal-tagal ko rin nag-shoot para dito gamit ang mahiwagang mp4 player ng ate ko. Naka-apat na ko, pero wala pa rin akong alam. Kelan kaya ako matututo?

Napalabas ito sa ika-6 na Titus Brandsma Short Indie Film Festival. Natuwa naman ako sa kinalabasan, lalo nung nagcomment yung isang direktor doon sa opening scene (yung scene na puro kulay lang) na nagrerewind daw. At least, hindi ganon ka-seryoso at masaya lahat ng tao. Sabi ni E. Elias Merhige sa akin, trip niya yung music nito. so... di niya ata trip yung visuals. haha.

Download!
-----------------------

Walang Pag-Ibig Para sa Bunga



Ang tanging pelikulang hindi pinalakpakan sa screening ng Kontra Alternative Film Project noong nakaraang summer ng 2010. Sa Kontra, binigyan nila kami ng task na gumawa ng pelikula kasama dapat ang mga "sangkap" na binigay nila. Noong panahong iyon, sotanghon, sibuyas, puso ng saging at toyo. Dapat mahalaga ang parte nila. Wala ako sa wisyo noon mag-isip kaya ginawa ko na lang silang mga karakter. Di na rin ako nakapagisip ng matinong plot kaya yun ang tinira sa akin ng jury. Pero nakalusot pa ng special prize na "Most Creative Use of Ingredients". Dahil doon, lumaki lalo ang ulo ko. Haha

Salamat kay Mikey Yalung!

Download!
-----------------------




Kapansin pansin sa mga iyan na... hindi ako marunong gumawa ng title, ano?

4 comments: