Saturday, January 1, 2011

2010 on Anime

Kadalasan naman, kung di ako nanunuod ng pelikula ay nanood ako ng anime. Medyo parang unti na lang ang gumagawa nito sa edad ko. Meron kasing generalization na basta animated, pambata. Hindi ganun.

Kung titignan, marami nang nagbago sa sining ng Anime sa mga nagdaang taon. Nagbabago ang panlasa at tema. Ang noo'y pambata lang, meron na para sa lahat.

Heto ang mga sumusunod na anime na masasabi ko na umantas sa panlasa ko nitong nagdaang taon.



Angel Beats!

Isa sa mga di malilimutan ngayong taon. Tulad ng ibang battle anime, supernatural din ang setting, ang kagandahan dito, kung papaano naihalo sa naturalistikong pagpapahayag ito. Maraming sinalong cliche ito, oo, pero lahat naman yan ay nadadaan sa maayos na daloy ng plot at magandang execution. Nadali lahat ng Angel Beats!, may mga dagdag pa.



Arakawa Under the Bridge

Comedy... on acid. Nakakatuwa yung pagka-wasak nito. Sumobra.



K-ON!!

Season 2 ng K-ON! (take note of the exclamation marks), dama ko dito yung atmosphere ng last episode ng season 1. Yung empty, sad, pero masaya yung mga characters. Senior year is indeed... a year of mixed emotions.



Amagami SS

Sa isang stressful na araw, wala nang mas maganda pang panuorin kundi harem anime. Harem, is indeed, a shounen fantasy. Wag na tayong mag-plastikan dito, trip niyo rin naman ang harem. haha. Pero, stressful lagi ang kwento ng bida, kaya laging ordinary looking ang bida sa harem, fantasy nga eh. Ang Amagami SS ay nakatutuwa, medyo average ang feel, hindi heavy, pero hindi light. Sakto lang. Saktong sakto.



Seitokai Yakuindomo

This should have been a harem. But it's not. It's straight forward, right on your face, comedy with punchlines coming from everywhere. Walang episode na hindi ako gumulong sa katatawa.



Ookami-san to Shichinin no Nakama-tachi

Oh, yeah, one of the best fantasies this year. Love story syempre. Fantasy always mingle with love. I like Ookami's character. Very predictable, I know, but still charming. Honorable Mention Award given to the Narrator.



Mitsudomoe

Comedy with kindergarten students, but not for kindergarten students. Hindi ako makapaghintay sa season 2.



High School of the Dead

It's George Romero's idea. I like the zombies here, madaling talunin, now, all we have to do is to work the story out. Maayos ang execution. The decisions made on the plot are all consistent... Medyo disappointing ang ending, pero you can still tell that this is one of the more superior anime that was released this year.



Hen Zemi (Abnormal Physiology Seminar) [OAV]

My first OVA in the list, genre-bending, I must say. A comedy-turned mystery. These are one of the few times na nagustuhan ko ang twist sa story. (as suggested to me by Mr. Mike Yalung)



Cat Shit One

Yes, that's the title. Ang cute nila ano. It's way supreme than any other recent american war film. I'd be gladly to throw my black hawk down dvd just to have space for a copy of this one.



Seikimatsu Occult Academy

Fantasy about faith. No, not that metaphysical faith, but faith in love. It's a love story. Sana nakita ninyo na love story yan. hehe



Tamayura [OAV]

Light hearted anime tungkol sa isang hobby. At isang comic sa isang pusang sobrang cute at hindi makunan ng picture.




Sora no Otoshimono: Forte

Sa second season nito, nadagdagan ang angelroids. Parehong malakas, medyo tanga nga lang ang isa. Hindi katulad ng season 1, mas surreal ito. Kung ano-ano ang nangyayari. May biglaang event kapag nagustuhan ng student council president. Wasak.



Bakuman

One of the best series ever. Very inspirational. Must-watch for all the struggling artists, like me.



Kuragehime

Tungkol sa individuality, di ko alam, I sincerely oppose the idea, pero, I'm liking this one.



Yosuga no Sora

One of the most note-worthy ecchi of all time. Walang comic sa main-story, pure heavy plot. Medyo may side story sa dulo para pambawi sa mga nalunod sa bigat ng main kwento. Hindi ko talaga ma-take yung huling arc. Grabe.

The World God Only Knows

Buhay nerd. At least napakinggan din sila. Medyo hardcore nerd nga lang tong isang ito. Isa sa mga hinahanap ko sa anime, yung masaya panuorin. Madaming saya dito.


The Disappearance of Haruhi Suzumiya (Film)

Almost 3-hours of Haruhi-sm. Hindi para sa mga Haruhi beginners. As usual, almost perfect pa rin ang pag-latag ng plot. Very consistent. Very charming pa rin si Haruhi.


Yeah, see you next year, list! haha

2 comments:

  1. Natuwa ako sa: "Wag na tayong mag-plastikan dito, trip niyo rin naman ang harem." indeed! haha!

    ReplyDelete
  2. Wahaha. wasak adz. Mukhang trip mo nga talaga. XD

    ReplyDelete