Tuesday, January 25, 2011

Has the apocalypse started? - Christine Eve Cunamay

Maybe, or maybe not.

Bilang tao, minsan, natutuwa rin akong gamitin ang prinsipyong "let's look at the brighter side" nang mali.

Sinagot ko yung tanong na yun ng: Masama na bang magka-snow sa Hawaii?

I know there are terribly wrong things that happened lately. Para bang nagsosobrang power-trip na si Mother Nature. And applying marxist principle, economic ang ugat na naman siyempre. Global warming, as we all know it, is caused primarily by most fossil fuel and cfcs clogging the atmosphere (tama ba?), na nagbubunga ng wasak na sitwasyon sa mundo. May mga ulan na twing summer, pero mainit pa rin, wasak na rin ang pagbabago ng temperatura.

Pero, sa akin, no big deal. Hindi naman sa wala akong pakialam, kundi, let's look at the bright side na lang.

Sa totoo lang, wala na tayong magagawa kung ganon ang sitwasyon, nagiging aware lang naman ang tao kapag malala na at hindi na mapipigilan, well, heto na yun. Dahil una sa lahat, tumatakbo ang mundo sa Fossil Fuel, tigilan mo na ang optimismo mo at hindi i-coconsider ang alternative energy, bakit? Dahil hindi iyon ang negosyo ng mga taong nagpapatakbo sa mundo. Itim na ngayon ang ginto, malapot, mabaho. Langis na ang tawag sa kanya. Hindi ka makatutulong sa pagiging "earth warrior" mo. Unless, kasama sa mga plano ninyo ang pagpatay sa mga lider ng mundo, maigi, kayo mamalakad, total mas marurunong kayo sa mga utak negosyanteng mga yun.

Kaya, heto na lang ang gawin natin, tumawa na lang tayo, gawin natin ang mga bagay na trip natin. Ok lang na pagtawanan nila tayo, basta, sigurado naman, sa atin ang huling halakhak.

Trip ko maging komunista, kasi maganda at mabuti. Ikaw ano'ng trip mo?

No comments:

Post a Comment