Friday, March 25, 2011

cool, relax.

"seize the day" - kung sino man ang naniniwala dito ay nabubuhay para lamang sa kamatayan.

bakit tira-tira ang pagkain ko?

Ano ang pagkakapareho ng boldstar at bansang Pilipinas?
Sagot: Parehong Exploited.

Tuesday, March 22, 2011

Maalalahanin


saan na tayo papunta?
naliligaw ka na ba?
dumidilim

paano nagsimula?
nasisilaw, minsa'y
natulala

nawawala, nawawala
ang panaginip
nawawala, nawawala
ayaw pang gumising

ilang ulit nang nadapa
di madala-dala
nakikinig

tila lumalamig
nalunod sa hangin
tinitiis

tuwing umuula'y bumabaha
hindi na nagsasawa
nakalimutan mo na ba?
maalalahanin

alaala

(Eraserheads, Sticker Happy)

Wednesday, March 16, 2011

Good Things, Bad Things: Kung ano-ano nga ba ang natutunan ko sa apat na taon sa college

  • Hindi magbabago ang mundo kapag binago mo ang sarili mo. Tanga lang ang mag-iisip nun. Maraming tanga sa mundo.
  • Mas maraming tao, mas maraming kasinungalingan (galing sa Confessional ni Tarog at Antipuesto)
  • Maraming hipster ang baduy
  • Bobo si John Maxwell at Robert Kiyosaki
  • Kalokohan ang manood ng tv
  • Kapag nakita mo ang trailer ng isang pelikula ng Star Cinema, parang napanuod mo na rin ang buong pelikula.
  • Si Wenn Deramas ay isang auteur (salamat sa pagbabahagi, Richard Bolisay!)
  • Madami pa ring maganda sa mundo.
  • Mayayabang at matapobre karamihan sa mga college graduates.
  • Maraming tao ang nagkokomento sa mga bagay na hindi nila alam.
  • Maraming tao ang bulag.
  • Maraming tao ang bingi.
  • Sa kabila non, maingay pa rin sila.
  • Resulta, kabobohan.
  • Nakakabulag ang pera.
  • Nakakawala ng pagkatao ang pera.
  • Nakakabobo ang pera.
  • Nakakatanga ang pera.
  • Pera ang nagpapatakbo sa isang bansa.
  • Pera ang ang nagpapatakbo sa tao. Hindi ang tao ang nagpapatakbo sa pera.
  • Maraming makasarili sa mundo.
  • Nandyan ang katotohanan, pero hindi tinitignan ng mas nakararami.
  • Dapaat, Cinema is truth 24 frames per second (salamat Godard!)
  • Pero, negosyo pa rin ang pelikula, dahil pera ang nagpapatakbo sa bansa.
  • Bobo ang karamihan sa negosyante, hindi lang bobo, ganid.
  • Ang PUP ay isang magandang pamantasan.
  • Ang "Sana" ng APO ay isang kantang sosyalista.
  • Alam ng lahat ng tao na Sosyalismo ang solusyon sa lahat ng problema, di lang nila inaamin.
  • Papet ang gobyerno.
  • Masarap ang manok
  • Kalokohan ang animal rights activism at vegitarianism kapag pinagsama
  • Maraming nakaka-misuse ng salitang "laban", "pakikibaka", "kalayaan"
  • Walang katarungan, gantihan lang
  • Ang taong may pananampalataya, ay hindi siguradong may Diyos.
  • Hindi pa rin solved ang problem of evil
  • Walang absolutong pagpapasya.
  • Hindi nagbabago ang tao. Ang meron siya, potensiyal na lumalabas kapag kailangan.
  • Mas maganda pa rin si Ashley kaysa kay Alodia.
  • Karamihan ng pinag-aaralan sa Psychology ay nonsense.
  • Ang may pinaka-sense at pinakamahalaga, ay Filipino Psychology. Na walang sinomang "matinong" practicioner ang nagpapahalaga kaya uunti lamang ang tunay na nakaiintindi.
  • Kalokohan ang pagyaman.
  • Walang matinong tao ang kakaibiganin ka kung di ka kakaikaibigan.
  • Mas maraming nonsense na tao sa Psych Department kesa sa ka-nonsense-an ng Psychology.
  • Maraming Psych Students, ang hindi naniniwala sa pagiging science ng Psychology at nananalig sa kanilang mga sariling batayan. may sariling practice, kumbaga. Sana di na lang nagaral, marurunong na naman eh.
  • Mas magagaling ang Philosophy students kaysa sa Psychology students on both theory and practice.
  • Hindi mapagsasama ang religion at science. In short, walang sense ang mga nagte-take ng theology after mag-psych.
  • Maraming gamit ang internet, madali lang gamitin. Marami lang talagang tanga ang hindi marunong gumamit.
  • Walang karapatang magmay-ari ang hindi marunong gumamit. (galing sa Nights of Serafina ni Gosiengfiao).
  • Ang Cinema ay isang sining. Pero tulad ng ibang sining, may pangit at maganda.
  • Maraming tao ang hindi nakaka-appreciate ng tunay na magandang likhang sining.
  • Si Taylor Swift ay sell-out (wait, redundant, XD)
  • White Stripes ang pinakamagaling na music act ng '00s.
  • Magulo na ang kahulugan ng mga bagay bagay.
  • Patay na ang Philosophy (ayon kay ser Deki Morales)
  • In short, wala nang pakialam ang tao sa karunungan dahil daw may sarili naman silang pakahulugan sa mga bagay bagay. Ang apple daw ay kulay yellow sa iba.
  • Walang nagbago sa PCA, pangalan lang.
  • Nag-eexist ang tanga at bobo.
  • Hindi ako matalino.
  • Mas masarap gumawa ng pelikula kaysa gumawa ng Psychological test report.
  • Nung simula pa lang, gusto mo nang maka-graduate, ngayong gagraduate ka na, parang ayaw mo na (ayon sa mga dating graduates nagsabi sa akin)
  • Mas masarap pa rin ang collectivism.
  • Hindi matatapos ang listahang ito, ipagpapatuloy sa ibang araw.

Thursday, March 3, 2011

1st Halo-Halo Indie Film Festival




Inihahandog ng Malayang Sining-Kayumanggi Productions


1st Halo-Halo Indie Film Festival:
A Showcase of Filipino Digital Short Independent Films


Isang gabi ng mga samu't saring digital video at maikling pelikula mula sa mga bagong direktor ng ating bansa. Isang gabing sumasalamin sa ilang bahagi ng sining at kultura ng ating panahon.

Halina't makibahagi. Pagyamanin ang Kulturang Pilipino.

Mabuhay at patuloy nating buhayin ang Pelikulang Pilipino!





Tickets @ P100.00 with (1)one FREE BEER

***FOR EARLY RESERVATIONS (on or before march 5) you may get it for Php 90.00 ONLY.

Call or text NOW: 09494964128/ 09178137744