ito ay post mula sa dati kong blog
--------------------
Nangyari 'to last December 10, on my usual jeepny ride. Iyun din yung gabi na natapos ko basahin yung "Windmills of the Gods" na pinahiram ni Kristel sa 'kin. Madalas akong nagbabasa ng mga novels sa biyahe tuwing may mababasa. Doon lang kasi ako nagkakaroon ng oras magbasa. It's been a year na rin siguro since sinimulan kong gawin yung habit na yun.
Andun ako nakaupo sa jeep; kaharap at katabi ang mga kapwa ko pasahero, sinasalo bawat polusyon sa paligid. Mahapdi n'ang mata ko dahil dito. Binabasa ko yung mga huling pahina ng libro, until finally, natapos ko yung libro. Mga ilang sandali rin akong nakatulala pagkatapos ng libro. Nang nabaling ang atensyon ko nang may narinig akong nagtatalo.
"Ano ba?!", reklamo nung babaeng nakahawak sa rails. Mga nasa late- or mid-30's. Singket. Nirereklamo niya yung katabi niya na sumasandal daw sa kanya. I-label natin siya as Babae 1.
"Eh, ba't ang arte-arte mo ayaw mong magpasandal?!", sigaw naman nung kaaway. Naka-postura, nasa mid-20's. Mukhang anak-mayaman. Siya naman si Babae 2.
Babae 1: Eh kasi, alam nang prumeno yung driver, bakit di ka na lang kumapit sa hawakan?!
Babae 2: Hindi mo ba nakikitang nagtetext ako?!
Babae 1: Kasi inuuna pa yang pagtetext
Babae 2: Eh sa may tinetext ako eh, bakit ba?!
Babae 1: Sa susunod, para wala kang maistorbo, magtaxi ka na lang
Babae 2: Ikaw ang magtaxi! Ayaw mo nga magpaistorbo eh...
Babae 1: Arte-arte (medyo pabulong)
Babae 2: Hoy! Excuse me, I'm not maarte! Kaya nga ako nag-jeep kasi hindi ako maarte! Ikaw nga jan ang maarte! Nasagi ka lang ng unti eh... (saying the word "maarte" in a Lasallite slang)
Babae 1: 'sus
Babae 2: Sa'n mo ba gustong makarating?! Hindi mo ba alam kung sino ang parents ko?!
Babae 1: Wala akong paki-alam kung sino ang parents mo!!!
Paulit-ulit na ganyan ang away nila. Taxi, text, parents ni rich kid. Napatungo ako sandali tapos pumikit para mapahinga yung mga mata kong binastardo ng polusyon. Napa dilat ako nang napuna ko'ng napalakas ang sigawan. Naggugulpihan na sila pagdilat ko. Eto yung dialogue sa sabunutan:
Babae 2: Sige! Sabunutan mo ko!! Papapulis kita! Marami akong kakilala sa station!! (sinasabi kiya to habang hawak ni Babae 1 yung almost 40% ng buhok niya)
Pagkatapos nun, nagsi-awatan na yung mga pasahero. Tanda ko pa na habang nagkakainitan, pakadyut-kadyut pa yung driver para siguro matigil yung away. Prumeno saandali para awatin silang dalawa.
Humupa sandali yung away. May naupong lalaking naka-red sa pagitan nila para maawat. Nagtatalakan pa din sila kahit pinaghiwalay na. Tumawag sa cellphone niya si Babae 2 para magsumbong:
Babae 2: Hello , me nangyari kasi dito... Nasa Jeep ako ngayon. Uhm, me babae kasi dito, ang kapal ng mukha, sinaktan niya ko eh... Ano'ng gagawin ko? Sa'n ba ko pwedeng humingi ng back up?
Hindi ko alam kung nananakot lang 'to o maimpluwensya talaga. Sa tunog niya mukhang marami siyang kapit. Mga dalawang beses siguro siya tumawag nun. Tapos, nakababa na si Babae 1; si Babae 2, hindi pa rin nag-aayos ng buhok.
Nakababa na 'ko nun, pero hindi pa si Babae 2. Iyon na ang dulo ng ruta ng jeep. At dahil hindi na lumiko pakaliwa si manong driver, ibig sabihin lang nun nagagarahe na siya. Siguro hiyang-hiya lang siya kaya hindi makababa. Siguro, kamag-anak yun ni Mayor, kapal ng mukha eh. Siguro lang.
Natatandaan ko pa nung sa kalagitnaan nung away, tinatawanan ko sila nun. Kasi kung tutuusin, napakaliit na bagay nun para pag-awayan nila. Kung titignan nga sila, mga edukadong tao, kumakain tatlong beses isang araw panigurado. Pero nung nag-away sila, para silang mga walang pinag-aralan, or better yet, mas ok pa sa kanila ang walang pinag-aralan. Para silang mga batang nag-away dahil sa napunit na teks.
Hindi na sana humantong iyon doon kung may isa man lang sa kanila na humingi ng tawad. Nasagi lang naman eh. Hindi na mahalaga kung sino ang inano ni ano. Pero hindi eh, nag-contest pa sila kung sino ang may mas malaking ego. Sa huli, talo silang pareho. Napahiya sila, oo. Pero kung natuto ba sila? Tignan na lang natin kapag nagkatabi uli sila sa iisang jeep.
No comments:
Post a Comment