Sunday, October 31, 2010
The Set List Day 3: A Song That Makes You Happy
Heto lang yung point, sino ang hindi sasaya kapag narinig 'tong kantang to? haha
Saturday, October 30, 2010
The Set List Day 2: Your Least Favorite Song
Ang pagkakaintindi ko sa least favorite... ay yung hindi pinakafavorite sa mga favorite.
Any ways, gusto ko to, kaya lang laging nasa huli ng listahan.
:)
Friday, October 29, 2010
The Set List Day 1: Your Favorite Song
This song came from a band that took it's name from a film. This song's title also came from a film. Anong kaugnayan niya sa kanta? Di ko rin alam.
Pero I love the non-sensibility ng song na ito. It remains as my favorite song of all time kahit na napagdaanan na at paulit-ulit ko na siyang naririnig.
Pero I love the non-sensibility ng song na ito. It remains as my favorite song of all time kahit na napagdaanan na at paulit-ulit ko na siyang naririnig.
Thursday, October 28, 2010
The Set List
Nakuha ko to mula kay Dodo Dayao, dito, na nakuha niya rin sa isang post sa tumbler. mukhang masaya siyang gawin, kaya gagawin ko siya. One step at a time. hehe.
Day 02: Your Least Favorite Song
Day 03: A Song That Makes You Happy
Day 04: A Song That Makes You Sad
Day 05: A Song That Reminds You of Someone
Day 06: A Song That Reminds of You of Somewhere
Day 07: A Song That Reminds You of A Certain Event
Day 08: A Song That You Know All The Words To
Day 09: A Song That You Can Dance To
Day 10: A Song That Makes You Fall Asleep
Day 11: A Song From Your Favorite Band
Day 12: A Song From A Band You Hate
Day 13: A Song That Is A Guilty Pleasure
Day 14: A Song That No One Would Expect You To Love
Day 15: A Song That Describes You
Day 16: A Song That You Used To Love But Now Hate
Day 17: A Song That You Hear Often On The Radio
Day 18: A Song That You Wish You Heard On The Radio
Day 19: A Song From Your Favorite Album
Day 20: A Song That You Listen To When You’re Angry
Day 21: A Song That You Listen To When You’re Happy
Day 22: A Song That You Listen To When You’re Sad
Day 23: A Song That You Want To Play At Your Wedding
Day 24: A Song That You Want To Play At Your Funeral
Day 25: A Song That Makes You Laugh
Day 26: A Song That You Can Play On An Instrument
Day 27: A Song That You Wish You Could Play
Day 28: A Song That Makes You Feel Guilty
Day 29: A Song From Your Childhood
Day 30: Your Favorite Song At This Time Last Year
Good luck sa akin!
Mga magagandang bagay na nangyari...
So, ngayon ay ika-28 ng Oktubre.
Kahapon, pagod na pagod at badtrip na nasa jeep ako. Napagisip tuloy ako ng kung ano-ano. Tulad ng mga paano kung si ganito ay gumanyan at ginanito si ganito at kung ano-ano pa.
Naisip ko lang: kakaunting magagandang bagay lamang ang nangyari sa 'kin nitong nagdaang semestre. Pero lahat ng iyon ay hindi academically-related.
Madami pa kong iniisip... Tapos na mga acads, pero may iilang problema pa rin. Nakakasar na.
Kahapon, pagod na pagod at badtrip na nasa jeep ako. Napagisip tuloy ako ng kung ano-ano. Tulad ng mga paano kung si ganito ay gumanyan at ginanito si ganito at kung ano-ano pa.
Naisip ko lang: kakaunting magagandang bagay lamang ang nangyari sa 'kin nitong nagdaang semestre. Pero lahat ng iyon ay hindi academically-related.
Madami pa kong iniisip... Tapos na mga acads, pero may iilang problema pa rin. Nakakasar na.
Wednesday, October 27, 2010
Rich Girl Can't Keep Her Mouth Shut
ito ay post mula sa dati kong blog
--------------------
Nangyari 'to last December 10, on my usual jeepny ride. Iyun din yung gabi na natapos ko basahin yung "Windmills of the Gods" na pinahiram ni Kristel sa 'kin. Madalas akong nagbabasa ng mga novels sa biyahe tuwing may mababasa. Doon lang kasi ako nagkakaroon ng oras magbasa. It's been a year na rin siguro since sinimulan kong gawin yung habit na yun.
Andun ako nakaupo sa jeep; kaharap at katabi ang mga kapwa ko pasahero, sinasalo bawat polusyon sa paligid. Mahapdi n'ang mata ko dahil dito. Binabasa ko yung mga huling pahina ng libro, until finally, natapos ko yung libro. Mga ilang sandali rin akong nakatulala pagkatapos ng libro. Nang nabaling ang atensyon ko nang may narinig akong nagtatalo.
"Ano ba?!", reklamo nung babaeng nakahawak sa rails. Mga nasa late- or mid-30's. Singket. Nirereklamo niya yung katabi niya na sumasandal daw sa kanya. I-label natin siya as Babae 1.
"Eh, ba't ang arte-arte mo ayaw mong magpasandal?!", sigaw naman nung kaaway. Naka-postura, nasa mid-20's. Mukhang anak-mayaman. Siya naman si Babae 2.
Babae 1: Eh kasi, alam nang prumeno yung driver, bakit di ka na lang kumapit sa hawakan?!
Babae 2: Hindi mo ba nakikitang nagtetext ako?!
Babae 1: Kasi inuuna pa yang pagtetext
Babae 2: Eh sa may tinetext ako eh, bakit ba?!
Babae 1: Sa susunod, para wala kang maistorbo, magtaxi ka na lang
Babae 2: Ikaw ang magtaxi! Ayaw mo nga magpaistorbo eh...
Babae 1: Arte-arte (medyo pabulong)
Babae 2: Hoy! Excuse me, I'm not maarte! Kaya nga ako nag-jeep kasi hindi ako maarte! Ikaw nga jan ang maarte! Nasagi ka lang ng unti eh... (saying the word "maarte" in a Lasallite slang)
Babae 1: 'sus
Babae 2: Sa'n mo ba gustong makarating?! Hindi mo ba alam kung sino ang parents ko?!
Babae 1: Wala akong paki-alam kung sino ang parents mo!!!
Paulit-ulit na ganyan ang away nila. Taxi, text, parents ni rich kid. Napatungo ako sandali tapos pumikit para mapahinga yung mga mata kong binastardo ng polusyon. Napa dilat ako nang napuna ko'ng napalakas ang sigawan. Naggugulpihan na sila pagdilat ko. Eto yung dialogue sa sabunutan:
Babae 2: Sige! Sabunutan mo ko!! Papapulis kita! Marami akong kakilala sa station!! (sinasabi kiya to habang hawak ni Babae 1 yung almost 40% ng buhok niya)
Pagkatapos nun, nagsi-awatan na yung mga pasahero. Tanda ko pa na habang nagkakainitan, pakadyut-kadyut pa yung driver para siguro matigil yung away. Prumeno saandali para awatin silang dalawa.
Humupa sandali yung away. May naupong lalaking naka-red sa pagitan nila para maawat. Nagtatalakan pa din sila kahit pinaghiwalay na. Tumawag sa cellphone niya si Babae 2 para magsumbong:
Babae 2: Hello , me nangyari kasi dito... Nasa Jeep ako ngayon. Uhm, me babae kasi dito, ang kapal ng mukha, sinaktan niya ko eh... Ano'ng gagawin ko? Sa'n ba ko pwedeng humingi ng back up?
Hindi ko alam kung nananakot lang 'to o maimpluwensya talaga. Sa tunog niya mukhang marami siyang kapit. Mga dalawang beses siguro siya tumawag nun. Tapos, nakababa na si Babae 1; si Babae 2, hindi pa rin nag-aayos ng buhok.
Nakababa na 'ko nun, pero hindi pa si Babae 2. Iyon na ang dulo ng ruta ng jeep. At dahil hindi na lumiko pakaliwa si manong driver, ibig sabihin lang nun nagagarahe na siya. Siguro hiyang-hiya lang siya kaya hindi makababa. Siguro, kamag-anak yun ni Mayor, kapal ng mukha eh. Siguro lang.
Natatandaan ko pa nung sa kalagitnaan nung away, tinatawanan ko sila nun. Kasi kung tutuusin, napakaliit na bagay nun para pag-awayan nila. Kung titignan nga sila, mga edukadong tao, kumakain tatlong beses isang araw panigurado. Pero nung nag-away sila, para silang mga walang pinag-aralan, or better yet, mas ok pa sa kanila ang walang pinag-aralan. Para silang mga batang nag-away dahil sa napunit na teks.
Hindi na sana humantong iyon doon kung may isa man lang sa kanila na humingi ng tawad. Nasagi lang naman eh. Hindi na mahalaga kung sino ang inano ni ano. Pero hindi eh, nag-contest pa sila kung sino ang may mas malaking ego. Sa huli, talo silang pareho. Napahiya sila, oo. Pero kung natuto ba sila? Tignan na lang natin kapag nagkatabi uli sila sa iisang jeep.
Tuesday, October 26, 2010
Ginto
isang maikling kuwentong nilikha bilang requirement sa Retorika noong 2008
-----------------------------------
5:43 am – Martes
Maaga ako ng dalawang minuto sa itinakda kong oras ng gising.
Bumangon na ‘ko para masimulan nang lahat ng ritwal sa umaga bago pumasok. Kalkulado lahat ng galaw. Tatlong minuto sa paghigpit ng higaan, tatlong minuto para sa paghilamos at pagmumog, limang minuto ng huling pagcheck-up ng mga gamit sa eskwela, labinlimang minuto ng paliligo, limang minuto sa pagbihis ng uniporme, sampung minuto ng pagkain, tatlong minuto ng pagsisipilyo, isang minuto ng paglalakad mula sa pinto ng banyo hanggang sa gate sabay ng pagkuha ng baon at pagmano sa nanay ko, hanggang sa tuluyan na kong makaalis ng bahay ng alas-sais y medya ng umaga.
Mabagal akong maglakad. Sinasadya ko ‘yun para sumaktong dalawampung minuto ang gugugulin pagpunta sa eskwelahan, sa Recto din lang naman iyon kaya hindi problema sa ‘kin ang distansya.
6:45 am – Martes
Lagi ‘tong nangyayari sa parehong oras at lugar: sa pagawaan ng relo sa kantong malapit sa eskwelahan. Sa aking madalas paglalakad dito ay nakakasalubong ko siya; ang kaniyang maliliit na matang bagsak sa kapuyatan, ang dilaw na jacket na bumabalot sa kanyang katawan, kasabay ng mga paang tila sanay sa mahabang lakaran. Ganito lagi ang eksena sa pagawaan ng relo sa tuwing dadaan ako doon ng alas-sais quarenta y cinco.
Hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon kahit paulit-ulit na kaming ganito sa loob ng limang buwan. At sa loob ng limang buwan na iyon, ang makita siya ay ang aking tanging dahilan ng pag-gising sa umaga. Ayos na ko kapag nakikita ko siya. Doon na din natatapos ang araw ko. At kung ano man ang mangyari sa mga nalalabing oras na gising ako, wala na rin akong pakialam at ang iniisip ko na lang ay ang matulog upang makita siya sa muling pag-gising ko.
6:45 am – Miyerkules
Dating oras sa dating lugar. Inaasahan ang dati nang dahilan ng pag-gising sa umaga. May nagbago sa dating dahilan. Umigsi ang buhok niya na lalo pang nagpakita ng kaniyang kagandahan. Ngunit hindi pa rin nawala ang blangkong emosyon sa mukha at ang mga maliliit at bagsak na mata. Buo na ang araw ko… mas maganda kaysa noon.
9:45 pm – Miyerkules
Buwag ang time table ko dahil sa mga di inaasahang gawain sa eskwela.
Naglalakad ako pauwi nang matanaw ko siya mula sa malayo – ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga – naglalakad patungo sa direksyon ko. Sa paglalakad niya ay napansin ko ang isang lalaking nakabuntot sa kaniya. Mabilis naglalakad ang lalaki sabay hablot nito ng bag ng binibini. Tumakbo ang lalaki patungo sa direksyon ko. Nang makalapit ako ay sinuwag ko ang lalaki at ibinagsak sa kongkretong sahig sabay bawi ng bag ng binibini. Nang pawalan ko ang lalaki ay siya naming kuyog ng ilang mga kalalakihang naka istambay lamang sa tabi-tabi dito.
Ibinalik ko ang bag sa kaniya – ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga. Tumingin sita sa ‘kin, nagpasalamat, at dagliang umalis. Sa pagmamadali’y nalaglag niya ang kaniyang ID sa eskwelahan. Pinulot ko ito at napagpasiyahang sundan siya upang ibalik ito.
10:23 pm – Miyerkules
Sa pagsunod sa kaniya ay dinala ako ng aking mga paa sa isang lumang sinehan. Sa pagpasok ko’y hinarang ako ng kahera; kailangan ko daw magbayad ng otsyenta pesos kung gusto kong manuod. Dahil iyon lang ang tanging paraan upang makapasok, nagbayad na ako.
Kaunti lang ang tao, lahat ng nakaupo ay pawang mga kalalakihan. Nagmasid-masid ako sa paghahanap sa kaniya. Hanggang sa nagsimula na ang palabas.
Nandoon siya… sa entablado. Dahan-dahang tinatanggal ang nalalabing saplot sa kaniyang katawan. Ilang sandali pa’y lumabas din sa entablado ang isang lalaki. Nagkaniigan ang kanilang mga labi; hinawakan niya ang lalaki, hinawakan siya ng lalaki. Sabay sa pagdidikit ng kanilang mga katawan ang paninikip ng aking dibdib; at sabay sa paginit ng eksena ay ang pagkulo ng aking dugo. Hindi ko matiis ang aking nakikita kaya dagli akong lumabas ng lumang sinehan.
1:06 am – Huwebes
Pag-uwi ko ng bahay, diretso sa higaan. Paulit-ulit sa utak ko ang mga eksenang bumungad sa kin doon sa lumang sinehan. Tinignan ko ang ID na nalaglag niya; Margaret Jasmin – ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga, ay hindi ako pinatulog ngayong gabi kaiisip.
6:45 am – Huwebes
Wala akong pasok, wala akong tulog.
Nandoon uli ako sa dating lugar, sa pagawaan ng relo sa kanto malapit sa eskwelahan. Hinihintay ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga. Makailang saglit ay dumating din siya, nadaanan niya ‘ko. Di niya ‘ko napansin tulad ng dati. Matapos niyang makalayo ng ilang metro ay sinundan ko siya.
Sa pagsunod ko sa kanya ay nasumpungan ko ang isang lumang bahay ampunan. Madaming bata; ‘yung ilan, halos matatanda na din para sa isang bata. Sumilip ako sa bintana, nakita ko siya kausap ang isang babaeng medyo may edad na. Mukhang problemado yung babae. Hinawakan niya ito sa balikat at sabay abot nito ng pera. Nagulat ako sa ginawa niya… hindi pala siya ganun ka-sama. Naudlot ang aking pagmamasid nang magambala ako ng isang batang biglang kumalabit sa ‘kin. Sa gulat ko at sa takot kong pagdudahan ay tumakbo ako papaalis.
9:45 pm – Huwebes
Naunawaan ko siya. Hinanda ko ang aking sarili upang makipagkilala sa kaniya at isauli nag nalaglag niyang ID. Narito ako ngayon sa kalsada kung saan ko siya nakita kagabi. Si Margaret – ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga.
Nakaraan ang ilang saglit ay natanaw ko rin siya. Ang maikling buhok, ang maliliit na mata at ang katawang sinubok ng hirap ng buhay. Daglian akong lumapit sa kaniya.
Isang hakbang na lang ang distansya ko sa kaniya ay nakaramdam ako ng isang matinding pwersa mula sa aking likod. Masakit. Sa lakas nito’y napatumba ako sa mga bisig ni Margaret
Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang pwersa, nakita ko ang snatcher mula sa kagabi na tumatakbo papalayo kasama ang isa pang lalaki. Hinawakan ko ang masakit na bahagi sa aking likuran… dugo. Dugo gawa ng punyal na nakabaon sa likod ng aking dibdib.
Tumingin ako kay Margaret – ang dahilan ng aking pag-gising sa umaga, sabay abot ng kaniyang ID na kagabi ko pa nais ibalik. Sa kasamaang palad, dumilim na ang paligid bago pa man ako makapagpakilala.
Monday, October 25, 2010
revival?
magbabalik ako sa pag-gawa ng blog, bukod sa Kawts Kamote.
ilalagay ko dito mga lumang sulatin ko, sa ibang panahon. hehe.
imbes na gawin ko ang case study ko, ito na ang ginawa ko, dahil una, hindi ko na siya madagdagan, at pangalawa, hindi ba mas masaya kapag yung gusto mo ang gagawin mo? haha
o sya, maligayang pagdating sa aking basurang mga sulatin!
- epoy
Subscribe to:
Posts (Atom)