Wednesday, February 9, 2011

bakit puro K-POP ang nasa MYX? kala ko ba super suporta sila sa OPM? - Lionel John Raphael Barua

Iyan din ang gusto kong itanong sa SM Cinemas sa pag-limit nila noon sa pagpapalabas ng pelikulang Pilipino.

Sa totoo lang naman, walang may gugusto sa K-POP (C-POP, J-POP o kung ano pa man) dito sa Pilipinas, kung hindi sila minarket dito. Bakit sila minamarket dito? Dahil sikat sila sa ibang bansa. At siguradong titiba sila ng sobra-sobra kapag nadistribute dito ang mga album nila. Same reason kung bakit mas marami ang Hollywood films sa SM Cinemas at iba pang sinehan kesa sa Filipino films.

Mismong industriya ang pumapatay sa industriya. Suicide. Ang tendency, madi-discourage na ang mga producer na maglabas ng mga bagong materyales dahil sa pangambang mas tatangkilikin pa rin ang gawang banyaga. Mahal (relatively) ang production cost sa Pilipinas. Hindi basta-basta nakakapagproduce ng pelikula o ng kanta. Kaya bukod sa pera, puso at tapang ang kinakailangan kung gusto mong makapagproduce ng isang materyal na bago sa paningin at panlasa ng audience.

Sa ngayon, mangilan-ngilan na lamang ang audience ng Popular na sining Pilipino. Naaawa nga ako kapag nakikiusap ang mga tulad nila Lani Misalucha at Martin Nievera na panuorin ang concert nila at suportahan ang musikang Pilipino, gayong makikipagsabayan sila sa mga tulad ng Super Junior at ni Taylor Swift. Kelan ba ang huling most-attended concert ng isang Pilipino artist? 2009 pa ata, Eraserheads Final Set, di ba? Matapos nun, puro banyaga na ang mga nagcoconcert na tumatabo.

Pareho din sa pelikula, magbigay ka nga ngayon ng isang matinong pelikulang Pilipino na tumabo sa takilya nitong nakaraang limang taon. Wala akong maalala, mas tumatatak sa akin ang pagtabo ng Twilight at Harry Potter.

Kung babalikan, walang may gugusto sa K-POP kung hindi sila iminarket dito (maliban ang mangilan-ngilang kultista na trip talaga ang banyaga kahit noon pa dahil sa kasikatan nila doon sa bansa nila at sa ibang karatig bansa). Malaki ang naging epekto ng SuJu sa mga karatig bansa ng Korea, milyon-milyon ang tinubo, hindi katakatakang na-humaling ang mga distributor dito na gawin din ang ginawa ng ibang bansa. Dahil halos naging pareho ang resulta. Ang pop naman talaga ay hindi usapin ng talent, kundi sell-out factor lang.

(dahil fragmented ang utak ko ngayon, ipapublish ko na to pero ieedit ko pa pag may chance. haha)

1 comment: