tinatamad ako gumawa ng review para sa CINEMATON. hehe
masyado ako binabagabag ng mga iniisip ko tungkol sa mga ka-course at ka-department ko. Di ko alam, pero parang habang tumatagal, lalong lumalala mga pumapasok sa department of Psychology. Meron jan yung mga psych students na may problema sa sarili, mga hindi naniniwala sa mga teorya, mga nagbabaybay ng mga konsepto na walang batayan, etc etc.
nababagabag lang ako, heto ba yung mga gagamot sa inyo pagdating ng panahon? Hindi naman sa nagmamalaki, pero, tanungin mo sila na ipaliwanag ang konsepto ni Jung ng Arkitipo at kung papaano ito inilapat sa pagunawa ng sikolohiyang kolektibo at indibidwal, hindi nila masasabi, gayong isa ito sa mga basic na pinagaaralan.
ewan ko lang, maraming agam-agam sa isip ko. sobra. isa lang ang hiling ko, sana mas intelektwal ang mga psychology students sa mga susunod na panahon. makabawi man lang sa pagkadismaya ko sa mga sumunod sa amin.
lagi namang ganoon epoy. Ganyan din ang nagin saloobin ko nang abutin ko ang puntong iyan sa buhay ko. Dismayado. Mainam na ipaalam mo sa kanila sa gayon nagawa mo na ang role mo. Nasabi mo na.
ReplyDelete