Monday, May 9, 2011

Project 365 - May 9, 2011



Isang edited snap shot mula sa aking bagong "short film".

Birthday ng Kuya ko ngayon. Bumagyo.

Nothing much today, except sa natapos ko yung 30 sec na video na iyun.

in-activate ko yung tumblr ko... para magpost ng mp3s. hindi ako magre-reblog. haha. LOSER REBLOGGERS!

last night... I dreamt of a cousin of a friend... pero iba hitsura niya dun... kulay puti yung buhok niya dun...

Sunday, May 8, 2011

Please consider.

To all the Filipinos (and non-Filipinos) in the Philippines and other parts of the world: before stating something bad or good about the Philippines and it's people, kindly consider that there are 7,107 islands in the Philippines, catering around 40 ethnic groups, speaking more than a 100 languages and with different cultural upbringings. None of us has the same way of living. Our country is made up of diversity and complexity. Consideration is the key to understanding.


Project 365 - May 8, 2011



Di ko talaga alam kung may certain rules sa Project 365 na nagbabawal ng digital manipulation, kasi kung meron, ngayon pa lang, ivaviolate ko na.

Di ko alam kung saan magsisimula dito. alas-syete pa lang ng umaga, wala pa gaanong nangyayari sa buhay ko ngayon. Kinunan ko yung favorite electric post ko mula sa bintana ng bahay. Walang ulap.

Laban ni Pacquiao ngayon.

Thursday, May 5, 2011

The Set List Day 10: A Song That Makes You Fall Asleep



Actually any song ng Dream Theatre at kahit anong katulad nila. haha

Napanaginipan kita kagabi

nagbubuhat daw tayo ng kalahating sakong bigas.

may pumuna ng damit ko...

bigla kang nawala...

kasama ng kalahating sakong bigas....

Tuesday, May 3, 2011

ano ang tollidBilly?

wala naman talagang nagtatanong, pero if ever lang meron, hetong post na ito ang tugon sa tanong na iyon.

honestly, maging ako, di ko alam. I just happen to hear the term sa panaginip ko. Well, maaaring di kapanipaniwala, pero nakaalala ako ng mga bagay-bagay galing sa panaginip ko.

2006, madaling araw nagising ako sa isang panaginip. sa panaginip na raw na yun, nagising ako sa isang terrace, kitang kita yung buwan. pinuntahan ko raw yung kuya ko para isauli yung earphones na hiniram ko sa kanya. sinabi niya sa akin sa panaginip ko: "ilang saglit na lang, malapit nang matapos ang tollidbilly". humiga uli ako sa terrace, umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagsikat ng araw. may mga kumakanta ng isang pamilyar na awitin, habang may mga salitang lumilipad. Pagkagising ko, isinulat ko pa yun nun sa diary ko.

lumipas ang mga araw, di ko pa rin alam. ginawa ko na lang, ipinangalan ko yun sa supposed to be banda namin na hindi pa man naka-abot ng 2 jam ay nagdisband na. lumipas ang ilang taon. nagtrip ako sa kamera ng classmate ko habang may klase sa retorika. nanghiram ako ng installer ng pang-edit ng video. ULEAD video studio pa yun. naisip ko lang ilagay yung tollidBilly bilang production dahil ginusto ko rin nun na mag-establish ng avant-garde art circle nun sa PUP, tollidBilly ended up being me as the sole member and 3 of my friends as occational helpers. heto yung output. after nun ginawa ko na siyang official name ng prod ko, with me as its sole member.

tinanong ako ni Adrian nung nakaraan kung ano yung tollidBilly. sinagot ko siya ng parehong sagot. hindi ko alam at nanggaling lang siya sa panaginip na wala namang meaning yung term. sabi ko rin na pangalan lang siya ng prod ko ngayon. sinabi niya lang, "e di, may meaning na siya ngayon".

oo nga naman...